Laging kumikilos: PBBM: Food security ang prayoridad ng gobyerno

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patuloy na gumagawa ng mga hakbang ang pamahalaan para mapag-igting ang local production at mas mapaganda ang sektor ng agrikultura.

Patuloy na gumagawa ng mga hakbang ang pamahalaan para mapag-igting ang local production at mas mapaganda ang sektor ng agrikultura.

Tiniyak ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang mensaheng ipinabatid nito sa ika-51 taong anibersaryo ng National Food Authority (NFA) nitong Setyembre 26.

“We continue to relentlessly strive to bolster the agriculture sector to increase our local food production and supply. We also conducted outreach activities and extended food relief assistance to the underprivileged members of our society,” paliwanag ni Marcos sa isang mensahing binasa ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban.

Dagdag pa niya, “The government is also undertaking aggressive steps to mitigate matters pertaining to price stability of basic commodities, especially rice, by strengthening our law enforcement activities against smugglers, hoarders, and those who undermine our efforts to ensure food security.”

Isa sa mga hakbang ng pamahalaan ay ang Project Smarter Approaches to Reinvigorate Agriculture as an Industry in the Philippines (SARAI) ng NFA, na ayon kay Marcos ay makatutulong magbigay ng “smart and sustainable solutions for more productive and proactive farming.”