Laging katuwang ang Japan: Build Better More ni PBBM, suportado ni PM Kishida

Patuloy na susuportahan ng Japan ang mga inisyatibo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa ikauunlad ng bansa.

Tiniyak ni Japan Prime Minister Fumio Kishida na patuloy na susuportahan ng pamahalaan ng Japan ang mga inisyatibo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., partikular na ang mga proyekto ng Build Better More.

Sa isang pahayag matapos ang bilateral meeting nila ni Marcos, sinabi ni Kishida na kabilang sa mga susuportahan ng Japan ay ang Dalton Pass at Manila Metro Subway Project.

“In the area of economy, I mentioned we will continue with the public-private support for infrastructure development such as the Dalton Pass and the Manila Metro (Subway Project) in line with President Marcos’ Build Better More policy,” saad ni Kishida sa parehong pahayag.

Hindi riyan matatapos ang tulong na ibibigay ng Japan, dahil nakatakda rin itong suportahan ang mga inisyatibo ng pamahalaan ni Marcos upang mapabuti ang Mindanao, pati na rin ang mga programa nito sa larangan ng agrikultura at eneherhiya.

“And also decision was made to provide heavy equipment for disaster management to help peace and economic and social development in the Mindanao region,” dagdag ni Kishida. “In addition, we will continue to operate in areas such as smart agriculture, decarbonization and energy transition, and tourism while keeping a close eye on the next month’s ASEAN’s zero emission community (AZEC) Summit.”