Lacson, idadaan sa dasal pagbabalik Senado sa 2025?

Idinadaan sa dasal ni dating Senador Panfilo "Ping" Lacson ang kanyang posibleng pagbabalik sa Senado sa 2025 midterm elections.

Idinadaan sa dasal ni dating Senador Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang posibleng pagbabalik sa Senado sa 2025 midterm elections.

Sa isang panayam, inamin ni Lacson na kasalukuyan niyang dinarasal ang anumang desisyon na gagawin niya.

“Madalas parang nakakalibang magbilang ng halaman, ng mga manok, baboy, kambing at tilapia. Pero ang boring part, `yung nagbibilang ka ng butiki sa umaga paggising mo, butiki sa kisame. At the end of the day, whatever decision you may make para sa future mo, praying over that decision is the best thing to do. Right now ang sagot ko sa tanong mo, I’m right there. I’m praying over whatever decision I will make,” ani Lacson.

Isa sa mga ikinokonsidera ni Lacson ay ang kanyang mga staff na naiwan sa Senado.

“Ang isang parang motivating factor, I want to be very honest about it, `yung alam na-inculcate ko sa former Senate staff ko na nakakalat sa ibang opisina, `yung value ng hard work at saka integrity sa public service. `Yan ang pinanghinayangan ko and `yan ang naging bond naming,” dagdag ni Lacson

Matatandaang nagsilbi si Lacson bilang senador mula 2001 hanggang 2007, 2007 hanggang 2013, at 2016 hanggang 2022. Noong 2022, natalo siya sa presidential elections.