Labyu, lolo’t lola! Karagdagang cash benefits, lusot na sa Senado

Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development, 12,186 na Pilipino na ang nakatanggap ng P100,000 cash matapos tumuntong sa edad 100.

Ratipikado na ng Senado ang mga panukala na bigyan ng karagdagang cash benefits ang mga matatandaang Pilipino.

Layon ng pinagsamang bersyon ng Senate Bill 2028 at House Bill 7535, (An Act Granting Benefits to Filipino Octogenarians, Nonagenarians, amending Republic Act 10868) na bigyan rin ng cash grant ang mga Pilipinong aabot sa edad 80, 85, 90, at 95.

Iyan ay bukod pa sa P100,000 cash gift na makukuha nila pagdating sa edad 100.

“All Filipinos residing whether in the Philippines or abroad, upon reaching the ages of 80, 85, 90, and 95 shall each receive a cash gift of P10,000,” paliwanag ng bicameral report ng nasabing panukala.

Batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development, 12,186 na Pilipino na ang nakatanggap ng P100,000 cash matapos tumuntong sa edad 100.