Labs namin sina lolo’t lola: 5-taong plano para sa mga nakatatanda, kasado na

May five-year Philippine Plan of Action for Senior Citizens (PPASC 2023–2028) ang National Commission of Senior Citizens na naglalayong pangalagaan ang mga karapatan at kalusugan ng mga senior citizens sa bansa.

Kasado na ang five-year Philippine Plan of Action for Senior Citizens (PPASC 2023–2028) ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) matapos ang official launch nito noong Lunes, Oktubre 2.

Ang nasabing plano ay naglalayong tugunan ang mga pangangailangan ng mga senior citizens ng bansa, particular na ang pagbibigay sa kanilang ng age-friendly community na pangangalagaan ang kanilang mga karapatan at kalusugan. Layon rin ng programa siguraduhing masaya, malusog, at produktibo ang mga senior citizens ng bansa.

“We’re actually encouraging the government to make use of the skills and abilities of seniors. Being retired at 60 is too restrictive. So, I think this is a whole-of-government invitation to talk about how we can utilize everyone’s skill sets in a manner that will benefit the whole country,” paliwanag ni NCSC Chairperson Franklin Quijano sa kanyang talumpati.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, may halos 9.22 milyong senior citizens ang Pilipinas.