Labi ng 3 OFWs na nasawi sa sunog sa Kuwait, darating na

Nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong Lunes ang labi ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFW) na nasawi sa sunog sa al-Mangaf, Kuwait.

Nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong Lunes ang labi ng tatlong Overseas Filipino Workers (OFW) na nasawi sa sunog sa al-Mangaf, Kuwait.

Matatandang nitong Hunyo 14 ay naganap ang pagsiklab ng sunog sa residential building na nagsisilbing dormitoryo ng mga construction workers sa naturang lugar sa Kuwait.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), smoke inahalation ang dahilan ng pagkamatay ng tatlong OFWs.

Bukod sa pagpapauwi sa labi, nagpaabot naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng iba pang tulong para sa mga naiwang pamilya ng mga biktima.

“We are in touch with the families of all the affected OFWs, including the families of those two in critical condition and the families of the three fatalities. Six of them are now safe and provided with their immediate needs,” sinabi ni DMW acting Secretary Hans Leo Cacdac.

“We will provide all the necessary assistance and support to the OFWs and their families in this difficult time as directed by the President,” dagdag pa nito.