Labas kami jan! – solons sa ‘kudeta’ sa Senado

Mariing pinabulaanan ng ilang kongresista ang umano’y pagkakasangkot ng Kamara sa napabalitang kudeta sa Senado.

Mariing pinabulaanan ng ilang kongresista ang umano’y pagkakasangkot ng Kamara sa napabalitang kudeta sa Senado.

Ayon kay 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez, nakakagulat na ang Kamara de Representantes ang itinuturong nasa likod ng sinasabing tangkang pagtanggal kay Senate President Juan Miguel Zubiri.

“According to the Senate, we are just mere congressmen here who are inferior to them. If that is the case, then it seems they are now giving us too much credit for us to have that kind of influence to meddle in the affairs of the upper chamber,” hirit ni Gutierrez.

Sinegundahan naman ito ni Pwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Migs Nograles na nagtataka kung bakit nadadawit ang Kamara sa umano’y sigalot sa Senado.

“Why is it that when senators bicker, we always end up being the culprit? We don’t have anything to do with them in terms of their leadership. They have their own internal rules, we respect their rules, we respect who they want as their leader,” banat ni Nograles.

Samantala, sinabi naman ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong na ang sigalot sa Senado ay dapat ayusin ng mga Senador at wala nang iba pang dapat madamay.

“This is entirely up to the majority in the Senate so we don’t know why they keep on tagging us every time there’s an issue coming up. We don’t know what went these past few days why the issue came out,” ani Adiong.