Laban na ‘yan! OSG, handa depensahan ang Maharlika Fund sa Korte Suprema

Patuloy na naghahanda ang Office of the Solicitor General upang sagutin ang mga petisyon at apela laban sa Maharlika Investment Fund kahit pa sinuspindi muna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang implementasyon ng IRR nito.

Bagaman pinaparepaso muna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act, patuloy pa rin ang paghahanda ng Office of the Solicitor General (OSG) upang kontrahin ang mga petisyon laban rito.

Sinabi ni Solicitor General Menardo I. Guevarra nitong Miyerkules, Oktubre 18, na hindi pa natatanggap ng OSG ang opisyal na kopya ng resolusyon ng Korte Suprema tungkol sa MIF law sa ilalim ng Republic Act No. 11954.

Hinihingi ng Korte Supreme mula sa pamahalaan ang petition to comment sa apelang pagbababa ng temporary restraining order (TRO) laban sa Maharlika Fund.

“If the implementation is indeed suspended, it’s up to the petitioners if they wish to withdraw the petition. But if they don’t, and the SC does not suspend the proceedings either, the OSG will be prepared to submit its comment on the validity of the MIF law,” pagtitiyak ni Gueverra.

Matatandaang sinuspindi muna ni Marcos ang pag-implement ng Maharlika Fund para repasuhan muna ang IRR nito.