Laban lang! Ilongga vlogger 15 beses sumubok bago pumasa sa teacher’s licensure exam

Lubos ang pasasalamat ng isang tour guide at vlogger mula sa Iloilo nang makita niya ang sariling pangalan sa listahan ng mga pumasa sa March 2024 Licensure Examination for Teachers (LET).

Lubos ang pasasalamat ng isang tour guide at vlogger mula sa Iloilo nang makita niya ang sariling pangalan sa listahan ng mga pumasa sa March 2024 Licensure Examination for Teachers (LET).

Bago makamit ang tagumpay, 15 beses na nag-take ng LET si Renante Morano Villasis, 42-anyos na tubong Concepcion, Iloilo at nagtapos mula sa Northern Iloilo State University noong 2014 sa kursong Bachelor in Secondary Education Major in Filipino.

Ayon sa panayam kay Villasis, pangarap niya na talagang maging isang lisensyadong guro.

Naghanda si Villasis para sa board exam at pumasok pa sa isang review center ngunit hindi pinalad na makapasa sa unang subok, na nasundan pa ng maraming taon kung saan bigo pa rin siyang makapasa.

Dumaan sa maraming pagsubok at panghuhusga ngunit nitong Mayo ay naaabot niya na rin ang pangarap na pinakaaasam.

Alay ni Villasis ang tagumpay para sa kanyang inang namayapa, na nagtiwala at naniwala sa kanyang kakayahan, at sa mga taong patuloy na kumapit sa pangarap kasama siya.

Pinayuhan naman ni Villasis ang mga aspiring licensed teachers, mas lalo na sa mga taga-LGBT community, na patuloy lang lumaban sa pangarap at huwag mawala ng pag-asa.