Laban, bawi! OECD, binago ang kanilang forecast sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa 5.6%

Nakikita ng Organisation for Economic Cooperation and Development (OECD) na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.6 porsiyento ngayong taon.

Nakikita ng Organisation for Economic Cooperation and Development (OECD) na lalago ang ekonomiya ng Pilipinas ng 5.6 porsiyento ngayong taon.

“A key growth driver in the second half of 2023 will be a strong rebound in government spending, from its 7.1 percent contraction in the recent quarter, executed through catch-up plans and frontloading of programs and projects,” ayon sa OECD, na nagpalabas ng kanilang Economic Outlook for Southeast Asia, China, and India 2023 Update noong Linggo, Setyembre 3.

Binawi ng OECD ang nauna nitong forecast sa Pilipinas na 5.7 porsiyento.

Ngunit kumpara sa mga karatig-bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN-5), nangunguna ang Pilipinas sa economic growth forecast projections.

Ayon sa kanilang pagtaya, sinabi ng OECD na maaaring lumaki ang ekonomiya ng Indonesia ng 4.7 porsiyento, Malaysia ng 3.9 porsiyento, Thailand ng 2.8 porsiyento, at Vietnam ng 4.9 porsiyento.

Sinabi ng OECD report na malaking tulong pa rin ang pagbabahagi ng iba’t ibang klase ng ayuda ng gobyerno, na siyang nagpapasigla ng aktibidad at paggastos sa pribado at pampublikong sektor.

“Domestic demand is expected to continue to underpin economic growth in the remaining semester of 2023 and up to 2024, supported by labor market expansion, personal income tax cuts, stable inflows of remittances and the steady recovery of tourism,” paliwanag ng OECD.

Ngunit, iginiit ng report na patuloy pa rin magiging mahina pa rin ang mamumuhunan mula sa pribadong sektor dahil sa mataas na interest rate at matamlay na pandaigdigang ekonomiya. Tanging pagpapatupad ng mga reporma sa polisiya at pagpapaganda pa ng sentimiyento sa negosyo ang magpapasigla sa kumpyansa ng mga mamumuhunan na siyang magdadala ng maraming foreign direct investment sa bansa.