Laban, bawi! AFP spox, binawi ang pahayag na hindi na daw nakakapangisda ang mga Pilipino sa Scarborough Shoal dahil sa mga Chinese vessels na nakatambay doon.

Binawi ng tagapagsalita ng military ang naunang pahayag nito na hindi na umano nakakapangisda ang mga Pilipino sa Scarborough Shoal dahil sa presensya ng mga Chinese fishing vessels doon.

Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakakapangisda pa rin ang mga Pilipino sa Scarborough Shoal sa tulong ng mga ahensya ng gobyerno.

Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ng AFP na si Col. Medel Aguilar na binabawi niya ang naunang pahayag na hindi na nakakapangisda ang mga Pilipino sa Scarborough Shoal dahil sa presensya ng mga Chinese militia at fishing boats doon.

“Please be informed that based on the latest report, our fishermen are still able to fish at the Scarborough Shoal assisted by PCG [Philippine Coast Guard], BFAR [Bureau of Fisheries and Aquatic Resources], and NICA [National Intelligence Coordinating Agency],” ani Aguilar sa isang pahayag na ipinalabas gabi ng Linggo, Setyembre 10.

“This is to correct my previous statement. My mistake,” dagdag pa niya.

Diumanong tinataboy ng mga Chinese vessels ang mga Pilipino kaya hindi na daw sina nakakapangisda doon, ayon sa naunang panayam kay Aguilar.

Hindi na raw mapuntahan ng mga mangingisda ang bahagi ng Scarborough Shoal na mayaman sa yamang dagat dahil pinaaalis sila ng mga Chinese vessels.