Labag sa batas ng Pilipinas! Panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas, banta sa seguridad ng buong rehiyon — Romualdez

Kinastigo ng buong Kamara ang pinakahuling insidente ng panggigipit ng China sa mga bangka ng Pilipinas na nangyari mismo sa loob ng teritoryo ng bansa sa karagatang sakop ng West Philippine Sea.

Mariing kinondena ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbangga ng China Coast Guard ship sa resupply boat ng Hukbong Sandatahan at isa pang Philippine Coast Guard vessel noong Linggo, Oktubre 22.

Sa isang pahayag, sinabi ng lider ng Kamara na nilagay ng China sa peligro ang buhay ng mga marino doon pati na rin ang kapayapaan sa rehiyon.

“We, at the House of Representatives, vehemently condemn China’s recent actions that led to the collision of its coast guard vessel 5203 with the private resupply vessel of the Armed Forces of the Philippines,” ani Romualdez.

“Such actions not only jeopardized the lives of those onboard, but also threatened regional peace and stability,” dagdag pa niya.

Hinikayat ni Romualdez ang China na sundin ang umiiral na international maritime laws, at pakalmahin ang mga tauhan nito na nagpapatrolya sa teritoryo ng Pilipinas.

“We implore China to adhere to international maritime laws and standards, act with restraint, and guarantee the safety of all vessels in the West Philippine Sea,” ani Romualdez. “Such incidents cannot be overlooked.

“The Philippine government will exhaust all diplomatic initiatives and mobilize the support of the international community to prevent these unlawful acts by its neighboring country–a country that is not just a trading partner but is also expected to be an ally,” dagdag pa ng opisyal.