“Lab For All” ni First Lady, naghandog tulong sa 2K na pasyente

Higit sa 2,000 na rehistradong pasyente sa Olongapo City ang nakinabang sa libreng serbisyong medikal nang dalhin ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang kanyang Lab for All program sa Subic noong Mayo 21.

Higit sa 2,000 na rehistradong pasyente sa Olongapo City ang nakinabang sa libreng serbisyong medikal nang dalhin ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang kanyang Lab for All program sa Subic noong Mayo 21.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng First Lady na tatanggapin ng mga rehistradong pasyente ang serbisyong medikal, mga supot ng groceries, mainit na pagkain, at inumin.

“This is in keeping with my husband’s mantra, when he said, ‘We should bring government services closer to the people and not the other way around,’’ aniya.

“So, in keeping with my husband’s promise, we will continue to conduct our medical missions, do minor surgeries, and provide access to different governemnt services,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat din ang First Lady sa mga tao ng Olongapo sa pagbibigay daan sa kanyang koponan at kanilang mga kasosyo na maglingkod.

“For all of you here, thank you for giving us a chance to be of service to you,” aniya.

Ang Lab for All caravan ay nag-aalok ng mga laboratory test, dental care, ECGs, surgeries, obstetrics and gynecology, at ophthalmology. Dagdag pa rito, libreng gamot, health screenings, assessment, at mga serbisyong may kinalaman sa pagbubuntis ay ibinigay din sa pagtitipon.

Samantala, iba’t ibang serbisyo rin ang ibinigay ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong mga kasosyo tulad ng:

– Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)
– Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
– Pag-IBIG Fund
– PhilHealth
– Department of Social Welfare and Development (DSWD)
– Commission on Higher Education (CHED)
– Food and Drug Administration (FDA)
– Public Attorney’s Office (PAO)
– Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
– Department of Trade and Industry (DTI)
– Department of the Interior and Local Government (DILG)
– Department of Health (DOH)
– GoNegosyo

Ayon sa First Lady, sila rin ay nagdistribute ng mga scholarship grants, reading glasses, at livelihood kits.

Nagbigay rin si First Lady Liza ng isang mobile van na may kasamang kagamitan sa medikal sa City of Olongapo, na ipinagkaloob ni United Asia Automotive Group Inc., (UAAGI) Vice-Chairman Kenneth Sytin.

“Ang Lab for All program ay hindi lang tungkol sa pagbibigay ng serbisyo medikal (The Lab for All program is not just about providing medical services). It is about bringing services from other government agencies,”aniya.