Kyline Alcantara, Kobe Paras mag-jowa na nga ba?

Laman ng chismis ng mga netizens ang aktres na si Kyline Alcantara at basketball player Kobe Paras matapos i-repost at mag-comment ang huli sa Instagram post ng aktres.

Laman ng chismis ng mga netizens ang aktres na si Kyline Alcantara at basketball player Kobe Paras matapos i-repost at mag-comment ang huli sa Instagram post ng aktres.

Parehas din kasing nag-post ng mga larawan na kuha sa parehong restaurant at parehas na oras sa Makati ang dalawang personalidad, na tila parehong magkasama at nagsasalo para sa isang date.

Inulan ng komento ang nasabing Instagram post na kung sila na nga ba, idagdag pa ang pag-comment ni Paras ng “two heart-eyed emoji” at pag-share sa Instragram story ni Alcantara.

“Hala are you with Kobe?” tanong ng isang netizen.

Matatandaang in-unfollow ni Alcantara ang buong pamilya ng dating jowang si May Legaspi nitong buwan. Habang huling naispatan si Paras kasama ang panganay na babae ng aktres na si Ina Raymundo na si Erika Portunak sa Siargao noong 2023.

Sa ngayon, wala pang komento sila Alcantara at Paras sa naturang chismis.