Kwentuhan ng Ex! Lalaki, sinaksak sa ari ng partner

Sa ospital ang bagsak ng isang lalaki sa Maynila matapos saksakin ng kanyang live-in partner ang kanyang ari.

Sa ospital ang bagsak ng isang lalaki sa Maynila matapos saksakin ng kanyang live-in partner ang kanyang ari.

Ayon sa isang TV report ngayong Martes, nag-iinuman ang dalawa sa isang bangketa sa Ermita at napag-kwentuhan umano nila ang kanilang mga dating kasintahan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sa gitna ng kwentuhan ay napikon ang babae at kumuha ito ng gunting para saksakin sa ari ang biktima.

Pinilit ng lalaki na tumakbo hanggang sa mapansin siya ng mga tao sa lugar. Sakto rin namang may pulis na nagpapatrolya kaya’t naitakbo sa pagamutan ang biktima.

Sa kabila ng nangyari ay wala umanong balak magsampa ng kaso ang biktima.