Kwentong tapat: NAIA cleaner isinauli nadampot na P1M

Hinangaan ng netizen ang isang tagalinis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nang isauli nito ang napulot na dolyar na nagkakahalagang halos P1 milyon.

Hinangaan ng netizen ang isang tagalinis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nang isauli nito ang napulot na dolyar na nagkakahalagang halos P1 milyon.

Ayon sa ulat, abala ang good samaritan na si Rosalinda Celero sa paglilinis sa departure area ng naturang airport.

Dito ay nawalis niya ang mga medyas mula sa ilalim ng isang upuan na ginagamit ng mga pasahero upang magsuot muli ng kanilang sapatos.

Subalit, hindi napansin ni Celero na nakaumbok pala ang 202 pirasong dolyar na inilagay sa loob ng medyas hanggang sa sumabit na lang ito sa kanyang dustpan.

Kaya naman agad-agad na isinauli ni Celero ang medyas na naglalaman ng salapi sa lost and found ng terminal.

Sa ngayon, tinitignan na ng Manila International Airport Authority ang CCTV footage upang matukoy ang may-ari ng pera.