Kwentong kutsero ‘yan! Wala akong tinanggap ni isang kusing – DOTR Sec. Bautista

Balak kasuhan ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang mga indibidwal na naninira at nag-uugnay sa kanya sa usapin ng korapsyon sa kagawaran dahil pawang kasinungalingan ito.

Itinanggi ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang mga akusasyong sangkot siya sa katiwalian, at nangakong reresbakan ang mga taong naninira sa kanyang pangalan.

“I am saddened by the baseless accusations being thrown at me that I’m involved in corruption,” sinabi ni Bautista sa isang video message na ipinadala sa mga mamamahayag.

Mariing pinabulaanan ni Bautista ang kaugnayan niya sa napapabalitang korapsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, kung saan sinuspindi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang chairman ng ahensya na si Teofilo Guadiz III.

“Please allow me to categorically say that I never accepted any money or favor since assuming the post of Transportation secretary,” giit ni Bautista

“When I took the helm of the Department of Transportation, I vowed to serve the country and the Filipino people with integrity which to me is more precious than any material wealth,” paliwanag pa ng opisyal.

Ayon sa diumanong whistleblower, naghahatid daw ng kickback si Guadiz kay Bautista, na kinokolekta sa mga nagpapalakad na mga operator ng pampublikong sasakyan.

Bwelta ni Bautista: “I intend to strongly defend the truth and my name, so I plan to file the appropriate complaint to whoever has been maligning me.”

“While these allegations may have disrupted us from our work, I vehemently deny involvement in any corruption or inappropriate activities,” dagdag pa ng opisyal.