Kurutin na lang sa singit kasi, major! Pulis Las Piñas, sinibak ng NCRPO matapos hatawin ang mga na-late na police trainees

Nahaharap sa mga kasong administratibo at kriminal ang isang police major ng Las Piñas City na diumanong hinataw ang ilang police trainee na late dumating sa call time noong Linggo, Oktubre 29, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO)

Sinibak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang pulis sa Las Piñas City na diumanong nagmaltrato sa mga police trainees noong nakalipas na linggo.

Ipinag-utos ni NCRPO chief Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na tanggalin sa kanyang pwesto si Maj. Knowme Sia, hepe ng Administrative Resources Management Section (ARMS) ng Las Piñas City Police Station, dahil sa paggamit ng sobrang dahas sa pagdidisiplina sa mga trainees, ayon kay NCRPO spokesperson Lt. Col. Eunice Salas.

“Na relieve na (siya) at nasa (Administrative) Holding Section of the Las Piñas City Police Station. Pina-iimbestigahan at sasampahan ng administrative at criminal case,” Salas said.

Dagdag pa ni Salas na maaaring kaharapin ni Sia ang administrative complaint para sa grave misconduct at isa pang criminal complaint para sa physical injury.

Ayon sa mga police trainees, na naghain ng reklamo, ipinatawag sila ni Sia sa station headquarters ng 8:00 ng umaga noong Oktubre 29 para sa mga anunsyo tungkol sa full alert status bago ganapin ang barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na araw.

Sa halip, late dumating ang mga trainee at namarkahang late. Pinapunta diumano ni Sia ang mga late na trainee sa Community Affairs Office ng station kung saan sila pinarusahan.

Pinalo daw ni Sia ang mga trainee gamit ang kahoy sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kasama na rin ang kanilang ulo.