Kunin na namin si boss, ha? DOJ, pormal nang sisimulan ang pagbawi kay Teves

Matatandang nakapulong ni Remulla ang pangulo ng East Timor na si Jose Ramos-Horta nang bumisita siya sa bansa mula Nobyembre 8 hanggang 10.

Nakatakdang pirmahan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Crispin Remulla nitong Huwebes, Nobyembre 23, ang pormal na liham sa pamahalaan ng East Timor upang ibalik na nito sa Pilipinas si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Siya ay nakakaharap sa kasong pagpatay kay dating governor Roel Degamo.

“When I get back on Thursday from Brunei, I will already sign the letter for the president of Timor-Leste,” sabi ni Remulla sa mga mamamahayag.

Matatandang nakapulong ni Remulla ang pangulo ng East Timor na si Jose Ramos-Horta nang bumisita siya sa bansa mula Nobyembre 8 hanggang 10.

BASAHIN RIN: Nag-aantay na ang rehas sa kanya: Pagbalik ni Teves sa bansa, pinag-uusapan na ng DOJ at pamahalaan ng Timor-Leste

“I just told him we will be filing the necessary information and necessary letters to his office to inform them formally of the charges pending against Mr. Teves,” saad ni Remulla sa isang hiwalay na briefing noon.

Dagdag pa niya, pinaalala niya kay Ramos-Horta na na ang “duties of rendition are there and under the United Nations agreement on terrorism, there is a duty for member states to surrender unto the prosecuting country the body of any terrorist so that they may be held for trial.”

Dineklarang terorista si Teves ng Anti-Terrorism Council noong Agosto.

BASAHIN RIN: Hawakan niyo nga sa tenga si ‘Mata?’ DOJ, hinamon si Arnolfo Teves Jr. na harapin ang mga kaso nito