Kung ayaw niyo, e ‘di ‘wag! Gobyerno, hahanap na ng ibang backer sa Mindanao railway project—DOTR

Matagal ang usad ng negosasyon sa pagpondo ng China sa proyekto kaya minabuti na ng Pilipinas na maghanap na lang ng ibang magpopondo para dito, ayon sa isang opisyal

Imbes na maghintay pa ng matagal, hahanap na lang ang Pilipinas na ibang financing options para maituloy na ang matagal nang nakatenggang Mindanao railway project.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista sa isang pahayag nitong Miyerkules, Oktubre 25, pinaalam na ng Pilipinas sa China noong Setyembre palang ang desisyon nitong mag-back out sa negosasyon para pondohan ng huli ang naturang railway project.

Sabi ni Bautista, sinulatan ng Department of Finance (DOF) ang Chinese Embassy at sinabing “[the Philippines] is no longer inclined to pursue the Chinese ODA [official development assistance] financing for the Phase 1-Tagum-Davao-Digos segment [of the railway project.

“Moving forward, we wish to inform you that the [Philippine government] remains open to holding project-related discussions and technical-level exchanges on any other pipeline projects under Chinese financing,” sabi pa sa sulat.

Nilinaw naman na walang kaugnayan ang tensyon sa West Philippine Sea sa pasya ng DOTr at DOF.