Kumpirmado! Ralph Recto swak na Finance secretary sa CA

Hindi pinahirapan si Ralph Recto ng Court of Appointments (CA) para sa pagkakatalaga sa kanya bilang kalihim ng Department of Finance (DOF).

Hindi pinahirapan si Ralph Recto ng Court of Appointments (CA) para sa pagkakatalaga sa kanya bilang kalihim ng Department of Finance (DOF).

Tanging si Senadora Risa Hontiveros lang ang nagtanong kay Recto, na patungkol sa issue ng value-added tax.

Matapos ang maiksing deliberation ay inendorso na ni Senador Bong Revilla ang appointment ni Recto.

“With him at the helm, we know that the Department of Finance is in good hands,” ayon kay Revilla.

“Through his great attention to detail and relentless pursuit of the greater good, many of the measures that this institution has produced have been cultivated and refined for the benefit of the nation,” aniya pa.

Si Recto ay itinalagang Finance Secretary ni Pangulong Feridnand Marcos Jr noong January 2024.

Bago maging kalihim ng DOF ay nagsilbi muna bilang House deputy speaker at Batangas 6th district representative si Recto.

Naupo rin siya bilang senador ng 12 taon, at nagkaroon din ng karanasan bilang National Economic and Development Authority (NEDA) chief taong 2008.