Kumambyo? Mariel Padilla sa viral na gluta drip: ‘Vitamin C po iyon’

Nilinaw ni Mariel Rodriguez-Padilla na Vitamin C at hindi glutathione ang gamot sa kanyang kontrobersyal na dripping session sa opisina ng asawa niyang si Sen. Robinhood Padilla.

Nilinaw ni Mariel Rodriguez-Padilla na Vitamin C at hindi glutathione ang gamot sa kanyang kontrobersyal na dripping session sa opisina ng asawa niyang si Sen. Robinhood Padilla.

Umani ng batikos si Mariel dahil sa pagsasagawa niya ng gluta drip sa Senado. Ibinida pa niya sa kanyang Instagram ang larawan habang nagpapa-gluta drip ngunit agad na binura nang binanatan siya ng mga netizen.

Sa isang Facebook video ay ibinahagi ni Mariel ang ilang detalye sa kanyang kontrobersyal na post.

“I-clear na natin… Nagpunta po ako sa Senate for the Eddie Garcia bill, hindi po ako nakikipunta doon lagi kasi full time mom ako. Sobrang pinaghirapan ng asawa ko ang bill na yan, I was there to support him,” pahayag ng dating TV host.

“Every week I have a Vitamin C drip. Inisip nyo po na glutathione ‘yung ating ginagawa… Vitamin C po iyon,” dugtong pa niya. “Never ko pong intention na mambastos o whatever. My intention was to show that no matter how busy you are, prinaprioritize pa rin natin ang paglalagay ng bitamina sa ‘ting katawan… I had no intention whatsoever to disrespect the Senate.”

Humingi rin ng tawad si Mariel sa mga netizen.

“May mga naoffend, so I deleted that post. But I never ever said that I was taking gluta. It was vitamin C,” dagdag pa niya. “I’m saying sorry sa mga na-offend.”