Kumakayod naman pala, dzai! Sarah Lahbati, ibinandera ang bagong proyekto sa Kapatid network; hindi man paldo-paldo ang TF, sapat na panggastos na rin marahil

“Mas maganda tlga may sariling trabaho at pera ang isang babae para pagdating ng araw dka sisihin ng asawa bkt san napunta ang pera na binibigay nya pero dapat inanakan at inasawa ka nya natural lng nmn na magwaldas ka hahaha,” hirit ng isang komentarista.

Tila may “K” naman pala gumastos dahil nagtatrabaho rin si Sarah Lahbati.

Katunayan, ibinahagi ni Sarah sa kanyang IG post na kasama siya sa mga artistang tampok sa remake ng pelikulang “Lumuhod Ka Sa Lupa,” na pinagbidahan noon ni “Da Boy” Rudy Fernandez noong Dekada 80.

“Grateful,” ang isang-salitang caption na nilagay ni Sarah sa kanyang post na umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa kanyang followers.

“Mahirap talaga may ganyan byenan e hays,” komento ng isang netizen.

Hirit pa ng isang follower: “Yayyy! Much better mag work ka atleast sarili mong pera ginagastos mo,Para hindi ka sabihan na nag wawaldas ng pera ng Monster in law mo.”

“Mas maganda tlga may sariling trabaho at pera ang isang babae para pagdating ng araw dka sisihin ng asawa bkt san napunta ang pera na binibigay nya pero dapat inanakan at inasawa ka nya natural lng nmn na magwaldas ka hahaha,” sambit naman ng isang pang komentarista.

Tila tinutukoy ng tanyag na talent manager si Sarah bilang dahilan sa napapabalitang hiwalayan ng kanyang asawa na si Richard Gutierrez. Diumanong “waldas ng waldas yung isa” habang trabaho naman ng trabaho si Richard, ani Annabelle Rama sa isang panayam ng showbiz media sa kanya.

Ayon pa kay Annabelle, may isang buwan nang nakatira si Richard at kanilang mga anak sa kanya, ngunit hindi pa niya direktang tinutukoy ang dahilan ng maugong na balitang naghiwalay na sila ni Sarah.