Kumakandidato sa BSKE, umabot na sa 1.3 milyon, ayon sa Comelec

Umabot na sa 1.3 milyong Pilipino na ang naghahain ng kanilang certificate of candidacy (COC) para lumahok sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), ayon sa ulat ng Commission on Elections (Comelec)

Sa pinakahuling ulat na naitala ng 11:30 AM ng Linggo, Setyembre 3, sinabi ng Comelec na nakatanggap na ito ng 1,316,265 na COC mula sa 82 probinsya ng bansa. Mula sa kabuuang bilang, 92,173 ang nakahain na COC para sa pagiging kapitan ng barangay, 690,531 aplikasyon para sa Sangguniang Barangay, 85,816 para sa SK chairperson, at 447,745 para sa SK members.

Umabot sa 115,483 na kandidato ang naghain ng kanilang COC ngayong Linggo, Setyembre 3, ang ika-anim na araw na maaari mag-file sa Comelec.

Paglalabanan ang 42,001 na pwesto para sa punong barangay at 294,007 na slots naman para sa Sangguniang Barangay. Kaparehong numero ng mga slots ang nakalaan para sa SK chairperson at SK Kagawad.

Aabot sa 2,085,142 na botante ang nag-rehistro para sa BSKE.