Kulong forever! Kaanak ng kilabot na pamilya sa Ozamis, guilty sa drug possession

Ayon sa korte, hindi napatunayan ni Parojinog sa paglilitis na tinanim ng mga awtoridad ang nakumpiskang shabu na nakuha mula sa kanya nang salakayin ang tahanan ng kanilang pamilya.

Hinatulan ng Quezon City Regional rial Court ng habangbuhay na pagkakabilanggo ang dating vice mayor ng Ozamis City na si Nova Princess Parojinog para sa kasong illegal drug possession.

Pinagmumulta rin ng korte si Parojinog ng P500,000 hanggang P10 milyon bilang parusa, ayon sa desisyon ng Quezon City RTC Branch 228, na ibinaba ang hatol kamakailan.

Ayon sa korte, hindi napatunayan ni Parojinog sa paglilitis na tinanim ng mga awtoridad ang nakumpiskang shabu na nakuha mula sa kanya nang salakayin ang tahanan ng kanilang pamilya.

“The Court emphasizes that the accused, her son Edray and his friends all testified that they saw the policemen entering the main glass door of the house and going upstairs. However, there was nothing in their testimony and not one of them actually testified that they saw the policemen who entered the main glass door as carrying something suspicious,” ayon sa 161-pahinang desisyon ng korte.

Hindi rin pinanigan ng korte ang paratang ng depensa na nagkaroon ng pag-abuso sa ebidensya kung saan nagkaroon ng “break sa chain of custody” at nakompromiso ang integridad ng ebidensya.

“The illegal drugs in the said case were even found inside the bedroom of persons other than the accused [Parojinog] but [even] inside the rest house owned by the accused,” ayon sa korte.

“There is no doubt in the mind of the Court that the prosecution has proven beyond reasonable doubt that the accused is guilty of illegal possession of 677.6796 grams of shabu,” sinabi pa ng korte.

Ipinag-utos ng korte ang paglipat sa kustodiya ni Parojinog mula Taguig City Jail Female Dormitory sa Correctional Institute for Women kapag natanggap na ng jail warden ang kopya ng desisyon.