Kulang na kulang: Mambabatas isinusulong as mas mataas na budget para sa creative industries

Nais ni House committee on creative industries chair Christopher de Venecia na taasan pa ang proposed P50 milyong budget para sa creative industries dahil ito ay mahalaga sa ekonomiya ng bansa.

Iminungkahi ni House committee on creative industries chair Christopher de Venecia sa isang privilege speech nitong Lunes, Setyembre 11, ang pagtataas sa budget para sa creative industries.

Ayon kay de Venecia, ang proposed budget para sa creative industries ay P50 milyon lamang para sa 2024—higit na maliit kumpara sa budget nitong P410 million sa General Appropriations Act (GAA) para sa 2023.

“While we continue to reach milestones, there is more work to be done. It is for this reason that we continue to explore ways and means of bringing to the fore and addressing the needs of the creative industries. But these initiatives require resources—for which I respectfully and earnestly appeal for a substantial increase in the budget allocation of the creative industries,” paliwanag ni de Venecia sa kanyang talumpati.

Ayon kay de Venecia, tumutulong rin nang malaki ang creative industries sa paglago ng ekonomiya. Sa katunayan, 7.3 porsiyento ng gross domestic product ng bansa ang ambag ng sektor na ito noong 2022, at katumbas ito ng P1.6 trillion.

Dagdag pa nito, mahigit 7 milyong Pilipino ang nagtatrabaho sa creative industries, at ito ay patunay sa mahalagang papel nito sa ekonomiya ng bansa.