Kris Aquino takot maagang maulila si Bimby

Nangangamba si Kris Aquino na hindi na niya maabutan ang pagtanda ng kanyang bunso na si Bimby.

Nangangamba si Kris Aquino na hindi na niya maabutan ang pagtanda ng kanyang bunso na si Bimby.

Sa Instagram post ng aktres, binahagi nito ang kanyang naging pagiging emosyonal sa kaarawan ng kanyang anak.

Aniya, walang patid ang kanyang luha nang maisip niyang baka hindi na niya maabutan ang susunod na birthday ni Bimby.

“I’m sorry for showing weakness yesterday when i cried nonstop because of my fear that i may not be around to be with you on your 18th birthday,” wika ni Kris.

Si Kris ay ilang taon na sa Amerika para magpagamot
dahil sa kanyang ilang autoimmune condition.

Aniya, malaking tulong sa kanya Bimby sa tuwing magkakaroon ng problema sa kanyang kalusugan.

“it’s my bad for not being grateful that against all odds, with 5 autoimmune conditions, 3 of them that are life threatening i failed to see the glass as being half full BECAUSE you’ve matured so much and you’re always ready to help my nurses, and though i know you’re also freaked, you still show CALM & absolute FAITH in God when my BP and heart rate reach scary high numbers,” saad ni Kris.

Sa huli ay sinabi ni Kris na ang kanyang pagmamahal kay Bimby ay tatagal habambuhay.

“I LOVE YOU not only during my lifetime or yours BUT definitely for eternity,” ayon kay Kris.