Kris Aquino, aminadong hirap na hirap na sa karamdaman; anak na si Bimby, posibleng umuwi ng Pinas para magtrabaho

Kasalukuyang nasa Estados Unidos si Aquino at dalawang anak nito. Una na rin niyang isiniwalat na mayroon itong lupus, isang kundisyong nagdudulot ng matinding pamamaga sa iba’t ibang bahagi ng katawan

Aminado ang Queen of All Media na si Kris Aquino na hirap na hirap na ito dahil sa karamdaman na kinakaharap niya.

“Mom, may I have even just 20 percent of your courage [and] ability to surrender to God’s will? It’s getting more difficult to stay strong,” saad ni Kris sa isang post sa Instagram matapos nitong hindi makasama ang mga anak na sina Bimby at Josh sa tradisyon nilang mag-anak na gunitain sa Disneyland ang kaarawan ng yumaong si Cory Aquino.

Sinabi rin nito na posibleng umuwi ng Pilipinas ang anak nitong si Bimby sa Pebrero upang magtrabaho sa showbiz para matulungan siya sa mga bayaring medikal nito na aniya ay “already getting higher and higher.”

Una nang nagkaroon ng “exploratory meeting” si Bimby at ang pamunuan ng Cornerstone Entertainment noong Hunyo 2023.

Kasalukuyang nasa Estados Unidos si Aquino at dalawang anak nito. Una na rin niyang isiniwalat na mayroon itong lupus, isang kundisyong nagdudulot ng matinding pamamaga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.