Krimen sa ‘Pinas bumaba sa ilalim ng Marcos admin!

Ipinagmalaki ni Interior Secretary at National Peace and Order Council Chairperson (NPOC) Benhur Abalos na malaki ang ibinaba ng bilang ng krimen sa bansa sa ilalim ng Marcos administration.

Ipinagmalaki ni Interior Secretary at National Peace and Order Council Chairperson (NPOC) Benhur Abalos na malaki ang ibinaba ng bilang ng krimen sa bansa sa ilalim ng Marcos administration.

Sa tala na iniulat ni Abalos, mula Hulyo 1, 2022 hanggang Abril 21, 2024 ay 71,544 lamang ang index crime volume ng bansa. Higit na mas mababa ito kumpara sa 196,519 na naitala mula Hulyo 1, 2016 hanggang Abril 21, 2018.

Ang mga naitatatalng krimen kada buwan mula 2022 hanggang Abril 2024 ay bumaba rin sa 15.04 kumpara sa 21.92 noong bago pa maupo bilang presidente si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon pa sa ulat ni Abalos, mula 196,420 sa unang dalawang taon ng Duterte administration ay bumaba sa 71,133 ang mga krimen sa bansa gaya ng pagnanakaw, physical injury, rape, murder, carnapping at homicide sa unang dalawang taon ng Marcos administration.

Taliwas sa kanyang sinundang admnistrasyon, hindi kamay na bakal ang pinairal ni pangulong Marcos upang mapuksa ang kriminalidad sa bansa, partikular ang ilegal na droga.