Krimen sa Bicol bumaba ng 34%

Nakapagtala ng 34.63 percent na pagbaba ng krimen sa Bicol region, ayon sa Police Regional Office 5.

Nakapagtala ng 34.63 percent na pagbaba ng krimen sa Bicol region, ayon sa Police Regional Office 5.

Ayon kay PLt. Col. Malu Calubaquib, nasa 889 krimen ang naitala mula January hanggang June 2024.

Higit itong mas mababa kumpara sa naitalang 1,360 krimen sa parehong period noong 2023.

“This is the result of the collaborative efforts of the Bicol cops and the community. Our regional director, Brig. Gen. Andre P. Dizon, personally oversees the deployment and operation of bike and motorcycle patrols during peak hours to guarantee their efficiency and effectiveness, ensuring public safety and quick response to any incidents,” wika ni Calubaquib.

Kasama sa mga bumabang numero ng krimen ay ang theft, rape, physical injury, robbery, murder, carnapping, homicide at theft of motor vehicle.

Nakatulong para bumaba ang crime rate sa Bicol ay ang pagpapalawig ng police visibility sa rehiyon kung saan 3,200 personnel ang ipinakalat sa Bicol.