Krimen lang ang ambag ng POGO sa lipunan! Indonesian na nagtrabaho sa iligal na POGO, timbog sa BI matapos magtangkang umalis ng Pilipinas

Kinasuhan na mga awtoridad ng ang suspek ng overstaying at pagtatrabaho ng walang kaukulang pahintulot. Natuklasan rin na sangkot ang banyaga sa cybercrime habang nagtatrabaho sa iligal na POGO na sinalakay noong Hunyo ngayong taon.

Arestado ang isang Indonesian national noong nakalipas na linggo sa paliparan matapos mag-overstay sa Pilipinas na nagtrabaho sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na sinalakay ng mga awtoridad nitong taon.

Kinilala ng Bureau of Immigration (BI) ang banyaga na si Angga Pratama, 24, na nagtrabaho sa Xinchuang Network Technology, Inc. (XNT) sa Las Pinas City na sinalakay at pinasara ng mga awtoridad.

Kinasuhan na ng BI si Pratama ng overstaying at pagtatrabaho ng walang kaukulang pahintulot. Natuklasan rin ng BI na kinasuhan rin ang banyaga ng cybercrime habang nagtatrabaho sa XNT.

Sinalakay ng mga awtoridad ang XNT noong Hunyo matapos matuklasang sangkot ito sa human trafficking at cybercrimes.

Umabot sa 2,700 katao ang naligtas mula sa XNT kabilang ang mga Pilipino at banyaga na napag-alamang biktima ng human trafficking.

Kinasuhan na rin ng pulis ang mga sangkot sa operasyon ng iligal na POGO.

“The BI remains vigilant in its efforts to safeguard our borders against individuals involved in illegal activities,” ani Immigration Commissioner Norman Tansingco sa isang pahayag.

“We are committed to ensuring the security and integrity of our nation’s borders,” dagdag pa ng opisyal.

Natukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ni Pratama nang magtugma ito sa hitlist ng BI sa paliparan. Kaagad na inaresto ang suspek at ikinulong sa Taguig habang pinoproseso ang kanyang deportation.