Kotse nahulog sa tulay sa CamSur, 1 dedo

Isang kotse ang nahulog sa isang tulay sa Barangay Apad, Ragay, Camarines Sur ngayong Linggo kung saan isa ang patay.

Isang kotse ang nahulog sa isang tulay sa Barangay Apad, Ragay, Camarines Sur ngayong Linggo kung saan isa ang patay.

Ayon sa ulat ng MDRRMO Ragay, dakong alas-11:30 ng umaga naganap ang insidente.

Papunta umano ng Naga City ang sasakyan na galing pang Maynila. Hindi man kataasan ang tulay, may tubig naman sa ilalim nito at pataob din ang naging pagbagsak ng kotse.

Ang isang nasawi ay ang mismong tsuper ng kotse. Ang lima pang sakay nito ay nakaligtas at nagpapagaling na sa pagamutan.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.