Korni na, masamang biro pa! Lalaking nag-bomb joke sa Plaza Miranda, arestado

Kasabay ng pagdagsa ng mga deboto ng Itim na Nazareno sa Simbahan ng Quiapo nitong unang Biyernes ng taon ay nagawa pang magbitaw ng bomb joke ng isang lalaki, na agad namang inaresto ng pulis.

Kasabay ng pagdagsa ng mga deboto ng Itim na Nazareno sa Simbahan ng Quiapo nitong unang Biyernes ng taon ay nagawa pang magbitaw ng bomb joke ng isang lalaki.

Hindi naman ito pinalampas ng mga tauhan ng Manila Police Disrict, na agad na inaresto ang lalaki.

Dinala ito sa ospital para magpa-medical at kalaunan ay inilipat na sa Tayuman Police Station.

Tumanggi na ang Philippine National Police na iharap sa media ang lalaki, na makakaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1727, o ang Anti-Bomb Joke Law.

Hindi pinayagan ng PNP na makausap ng media ang lalaking inaresto. Dinala na sa hospital ang lalaki para sa medical bago ilipat sa Tayuman Police Station.

Sa pagtataya ng Plaza Miranda PCP, higit 13,000 deboto na ang dumalo sa unang tatlong misa nitong Biyernes, Enero 5.