Koreano arestado matapos pagsasaksakin ang isang aso!

Patay ang isang aso matapos itong saksakin ng isang Korean national sa Malate, Manila nitong Sabado.

Patay ang isang aso matapos itong saksakin ng isang Korean national sa Malate, Manila nitong Sabado.

Nakunan sa CCTV ang insidente kung saan nakagat ng aso ang Koreano sa bandang binti sa tapat ng isang grillhouse restaurant.

Pumasok sa kainan ang Koreano, at doon makikitang may kinuha itong patalim at saka inundayan ng saksak ang aso.

Napag-alaman na ang aso ay alaga pala ng mga tauhan sa grillhouse. Duguan at sinubukan pang linisan ng ang aso ngunit wala na itong buhay dahil sa natamong apat na saksak.

Kaagad na inaresto ang Koreano, na ipinaliwanag na hindi niya umano alam na kutsilyo ang kanyang nakuhang pangdepensa sa aso.

“Hindi naman tama na saktan natin ‘yung aso. Kahit nakagat tayo. Ang gagawin natin doon huhulihin natin ‘yung aso, ii-impound natin, at ooserbahan natin kung mayroon siyang sakit,” ayon kay Manila Police District Directror PBGen. Arnold Thomas Ibay.

Kakasuhan ang Koreano ng paglabag sa The Animal Welfare Act of 1998 at Malicious Mischief.