Koreana minanyak ng kababayan sa Pasay

Inaksyunan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang umano'y sexual abuse sa isang Koreana sa isang condominium sa Pasay.

Inaksyunan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang umano’y sexual abuse sa isang Koreana sa isang condominium sa Pasay.

Kinilala ni NCRPO chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang suspek na si Kim Hyeongbin.

Nagpatulong umano ang tatay ng biktimang Koreana sa Korean Embassy sa ‘Pinas kaya agad na umaksyon ang kapulisan.

Ayon kay Nartatez, naging biktima ng sexual abuse at pinipilit umanong turukan ng iligal na droga ang babae ng kapwa niya Korean.

Nakuha sa condominium unit ang dalawang pakete ng hinihinalang shabu at cocaine.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Act Promoting Stronger Protection Against Rape, and Sexual Exploitation and Abuse ang suspek.