Korean football player nanakawan sa BGC!

Ibinahagi ng Korean professional football player na si Yi Young Park ang karanasan nito sa BGC matapos daw manakawan ng wallet.

Ibinahagi ng Korean professional football player na si Yi Young Park ang karanasan nito sa BGC matapos daw manakawan ng wallet.

Sa Instagram post ng player, nag post ito ng video ng dalawang babaeng naglalakad, habang kinokompronta sila ni Young tungkol sa kanyang wallet.

Kwento nito pinalibutan daw sya ng nasa anim na kababaihan habang naglalakad.

“It happened in front of one Bonifacio, I was walking on the street and 6 women were surrounding me for quiet long time. Three people were in front of me, blocking my path to prevent me from walking quickly, and others were close behind me and then the people nearby suddenly dispersed and I noticed something strange.” saad ng player.

Nang i-check nito ang kanyang bag, bukas na raw ang zipper at wala na ang kanyang wallet.

“so I checked my bag immediately and it was too late. the zipper was opened… they had stolen my wallet.”

Dali-dali raw na nag disperse ang mga babae sa magkakaibang direksyon kaya isang grupo lang ang kanyang nahabol.

“They were moving further away but still visible to me. They suddenly dispersed in three groups in different directions. So I could only chase one group. I caught up with a group and asked for my wallet back. They started making loud noises, asking me if I was crazy, saying “we didn’t take your wallet”, and getting angry and overacting. It became clearer that they had stolen it. I asked the nearby guard for help to stop them because they had stolen my wallet, but the guard could not provide any help.”

Sa huli nabawi rin nito ang kanyang wallet, pero nabawasan na raw ang lamang cash.

“Anyway long story short, I’m safe and I got my wallet back but still missing some cash”

Samantala sa comment section, nilinaw ng player na hindi nito sinisisi ang Pilipinas, dahil maaari rin anyang mangyari ito kahit saan sa mundo.

“I don’t blame Philippines, this could happen anywhere in the world. I just hope that we learned something from this incident and will reduce the number of other victims. I still love Philippines, don’t worry” dagdag ni Young.