Korean drama ni Lee Seung Gi, isho-shoot sa ‘Pinas; popondohan ni Chavit!

Magdiwang ang mga K-drama fans dahil posibleng matagal maglagi rito ang ilang Korean celebrities!

Magdiwang ang mga K-drama fans dahil posibleng matagal maglagi rito ang ilang Korean celebrities!

Ito’y matapos ianunsyo ni dating Ilocos Sur governor Chavit Singson na sa Pilipinas gagawin ang shooting para sa second season ng South Korean series na ‘Vagabond’.

Ayon kay Singson, dito itutuloy ang shooting ng serye na pinagbibidahan ni Lee Seung Gi sa oras na matapos na ang script ng K-drama.

“Meron ‘yung series na very popular sa Korea, ‘Vagabond’, itutuloy dito. Natapos na sila, tapos ‘yung continuation, dito na sa Pilipinas,” wika ni Singson.

Bukod kay Seung Gi, isa pa sa bida sa naturang serye ay si dating K-pop star Bae Suzy. Pinalabas ang unang season ng ‘Vagabond’ sa Netflix.

Ayon pa kay Singson, kinuha siya para maging co-producer ng nasabing Korean drama.

Matatandaan na dati nang nagpunta si Seung Gi sa Pilipinas kung saan nakasama niya rin si Singson.