Kontrata ng mga COS, JO sa gobyerno pinahaba ni Marcos

Biniyayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng dagdag na isang taon ang kontrata ng mga empleyado ng gobyerno na nasa ilalim ng contract of service (COS) at job order (JO) status.

Biniyayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng dagdag na isang taon ang kontrata ng mga empleyado ng gobyerno na nasa ilalim ng contract of service (COS) at job order (JO) status.

Sakop ng direktiba ng pangulo ang mga COS at JO na magtatapos ang kontrata ngayong 2024. Kaya naman, epektibo pa ang kanilang mga kontrata hanggang Disyembre 31, 2025.

Bukod pa rito, inatasan ni Marcos ang mga ahensya ng gobyerno na pag-aralan ang estado ng kanilang mga empleyado at kawani.

“Pag-aralan natin (Let’s study), just look at the numbers, the data on average, government agencies. How many of their employees are contractual?” anang pangulo.

“How many items are in their plantilla proper are not filled? How many are contractual as a percentage of the total number of employees? Kasi the percentages are one of the most important. Then titingnan natin is average. (Because the percentages are one of the most important. Then we will look at the average) [It will] give us an idea how people are using the system,” dagdag pa ni Marcos.

Ang COS at JO ay hindi tumatanggap ng benepisyo, hindi gaya ng mga regular na kawani ng pamahalaan.

Batay sa datos ng pamahalaan, mahigit 832,000 ng mga empleyado sa gobyerno ang COS at JO noong 2023, mas mataas ng 29.71% kumpara noong 2022.