Kontrabida daw si DJ?! Daniel Padilla, John Arcilla, magtatambal sa pelikula

Tampok sa pelikulang "The Guest" sina John Arcilla at Daniel Padilla, na magsisimula ang produksyon sa katapusan ng taon.

Magsasama sa isang pelikula ang dalawa sa pinakasikat na artista sa bansa: ang batikan at premyadong aktor na si John Arcilla at ang matinee idol na si Daniel Padilla.

Kinumpirma ni Arcilla ang nasabing tambalan sa isang interview sa 2023 ABS-CBN Ball red carpet na ginanap sa Shangri-La Makati noong Setyembre 30.

“May isang movie na mag-start toward the end of the year I guess ay yung kay Daniel Padilla and me,” kwento ni Arcilla. “They called it [a] mind f’ck film.”

Dagdag ni Arcilla, siya ang magiging bida sa pelikulang “The Guest,” na idi-direct naman ni Jerrold Teng, na siya ring direktor ng “Heneral Luna” kung saan si Arcilla rin ang bida. Si Padilla naman, ayon rin Arcilla, ay gaganap na kontrabida.