Konting tulong pa sana: Socorro LGU humingi ng saklolo sa nat’l gov’t para sa biktima ng ‘kulto’

Umapela sa national government ang Socorro LGU para sa karagdagang assistance upang matulungan ang halos 3,000 na biktima ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) sa Surigao del Norte.

Humihingi na ang saklolo ang municipal government ng Socorro mula sa national government upang matulungan ang halos 3,000 na biktima ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI) sa Surigao del Norte.

Ayon kay Edelito Sangco ng Task Force Kapihan, na binuo ni Socorro Mayor Riza Rafonselle Timcang upang imbestigahan ang SBSI, tinatayang 1,000 pamilya ang naninirahan pa rin sa Sitio Kapihan ng SBSI matapos nilang ibenta ang kanilang mga tirahan nang sila ay sumali sa diumano’y kulto.

Aminado naman si Sangco na walang kakayanan ang municipal government ng Socorro upang tulungan ang mga nabiktima umano ng SBSI, ngunit kailangan nila itong gawan ng paraan dahil ito ay isang “man-made calamity” at “humanitarian crisis.”

Kaugnay nito, pansamantala munang patitirahin ng munisipyo ang mga biktima sa isang evacuation center, kung saan pamamahagian sila ng mga food packs na galing sa Department of Social Welfare and Development.