Konting tulong pa, please? Iba’t ibang grupo, nanawagan sa pamahalaan na palawigin pa ang ‘transition period’ ng K to 12

Ayon naman sa Teachers Dignity Coalition (TDC) at Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK), ang pagtatapos ng transition period para sa K to 12 ay maaaring magresulta sa “learning crisis” na maaaring makaapekto sa higit 17,000 na mag-aaral.

Nanawagan ang mga grupo ng guro at kabataan sa pamahalaan na palawigin pa ang transition period ng K to 12, kung saan maaari pa ring tumanggap ng mga mag-aaral ng senior high school ang mga state universities and colleges (SUCs) and local universities and colleges (LUCs).

Iyan ay matapos ianunsiyo ng Commission on Higher Education (CHED) noong Disyembre na hindi na tataggap ng mga mag-aaral na senior high school ang mga SUC at LUC dahil wala ng ligal na basehan para dito.

Paliwanag ng CHED, nakasaad sa batas na simula School Year (SY) 2016–2017 hanggang SY 2020–2021 lamang ang naturang transition period.

Ayon naman sa Teachers Dignity Coalition (TDC) at Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK), ang desisyong ito ay maaaring magresulta sa “learning crisis” na maaaring makaapekto sa higit 17,000 na mag-aaral.

Kanya naman hinimok nila ang pamahalaan na i-extend pa ang transition period.

“We thus urge national agencies on education to extend the K-12 transition period to take into account the time and resources needed to ensure that Senior High Schools, both public and private, have the capacity to absorb all learners affected by the discontinuation of the SHS program in SUCs and LUCs with sufficient instructors, classrooms and other relevant facilities such as laboratories, libraries among others to avoid congestion,” sabi ng TDC at SPARK sa isang joint statement.

Dagdag nila, ang pagpapalawig ng transition period ay makatutulong sa maraming pamilya na siguradong gagastos ng malaki kung itutuloy ang mandato ng CHED.