Konting alat pa! Panukalang batas na mag-aangat sa salt industry ng bansa, pasado na sa Senado

Nakapasa na sa Senado ang Senate Bill No. 2243 o ang Philippine Salt Industry Development Act na naglalayong i-modernize at i-commercialize ang salt industry ng Pilipinas.

Aprubado na ng Senado ang Senate Bill No. 2243 o ang Philippine Salt Industry Development Act, isang panukalang batas na isinusulong ang pagpapalakas sa salt industry ng Pilipinas.

Kung magiging ganap na batas, maisusulong ng Senate Bill 2243 ang pagkakaroon ng kongkreto at malinaw na roadmap tungo sa ikalalakas at ikagaganda ng salt industry sa bansa.

Kabilang sa roadmap na ito ang paggawa ng mga proyekto at programang nakatutok sa modernization at commercialization ng asin dito sa Pilipinas.

Layon rin ng Senate Bill No. 2243 na itayo ang Philippine Salt Industry Development Council na siya namang mangangasiwa sa mga proyekto at programang ilalatag sa nasabing roadmap.

Umaasa naman si Senate President Sen. Juan Miguel Zubiri, na isa sa 22 senador na sumuporta sa Senate Bill No. 2243, na magiging malaking tulong ito sa mga komunidad na umaasa sa asin bilang kabihayan nila.

“Hopefully it will help all the coastal communities like Bulacan to be able to produce salt once again,” sambit ni Zubiri.