Konti na lang, magagamit na: MRT-7, mahigit 60% nang gawa, target buksan sa 2025

Ang 22-kilometrong linya ng MRT-7 ay magkakaroon ng 14 na istasyon na magkokonekta sa Quezon City hanggang sa San Jose del Monte, Bulacan.

Mahigit 60 porsyento nang gawa ang Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7), at magagamit na sa Nobyembre 2025.

Iyan ang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) sa pinakahuli nitong update sa MRT-7 na nasa 63.28 porsyento nang natatapos..

Ang 22-kilometrong linya ng tren ay magkakaroon ng 14 na istasyon na magkokonekta sa Quezon City hanggang sa San Jose del Monte, Bulacan.

Babawasan ng MRT-7 ang kasalukuyang dalawang oras na biyahe mula Quezon City hanggang San Jose del Monte, Bulacan sa 35 minutong biyahe lamang.

Tiniyak rin ni DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez na sinasanay na ng Philippine Rail Institute (PRI) ang “critical mass” na mga inhinyero, technician, at operators upang matiyak na ang ang MRT-7 ay handang maglingkod sa publiko kapag natapos na.

Sa ngayon, siyam na big-ticket transport projects sa bansa ang pinondohan sa ilalim ng official development assistance program ng Japan.