‘Konsyerto sa Palasyo’ alay para sa healthcare workers!

Aarangkada ngayong June 30 ang ikaapat na bersyon ng 'Konsyerto sa Palasyo' handog ng Malacañang para sa mga healthcare workers.

Aarangkada ngayong June 30 ang ikaapat na bersyon ng ‘Konsyerto sa Palasyo’ handog ng Malacañang para sa mga healthcare workers.

Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), gaganapin ang nasabing pagdiriwang Linggo ng gabi, 6:30 PM, kung saan mapapanood ang live telecast nito sa Facebook page ng Radio Television Malacañang at ng mismong Konsyerto sa Palasyo.

Tema ng pagtanghal ang “Para sa Ating mga Healthcare Workers” alay para sa sakripisyo ng nurses, doctors, frontliners, noong pandemya.

Kasama sa mga magtatanghal ang Ayta Brothers Arjohn Gilbert at Jayson Narciso, Filipino music icon Martin Nievera, musician at content creator Justin Taller, theater artist Lara Maigue, Leyte Normal University student Christel Galacan, pole dancer/athlete Kristel de Catalina at iba pang mga local artists.

Hangad ng Palasyo na mabigyang pansin ang mga bagong mukha ng “performing artist” sa bansa sa pamamagitan ng ganitong mga pagtatanghal.