Koneksyon ni Alice Guo sa Chinese Communist Party, sinisilip ng PNP

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) ay hinggil sa ulat na nag-uugnay kay Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac sa Chinese Communist Party (CCP).

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) ay hinggil sa ulat na nag-uugnay kay Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac sa Chinese Communist Party (CCP).

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, ipinag-utos niya sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Intelligence Group (IG) na imbestigahan ang lahat ng impormasyon kaugnay kay Guo.

Sa isang post sa social media platfom na X (dating Twitter), bahagi umano ang pamilya ni Guo ng isang malaking clan na nagmula sa Fujian, China na sinasabing isang pugad ng united front work ng CCP.

Inakusahan si Guo na may kaugnayan sa Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Bamban na sinalakay ng mga otoridad nitong buwan ng Marso dahil sa mga pinaghihinalaang illegal activities.