Komedyante kayo? Bagong patutsada ng China na Pilipinas ang sanhi tensyon sa West Philippine Sea, laway lang – DND

Binale-wala lang ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ang mga pasaring ng China na Pilipinas pa raw ang sanhi ng tensiyon sa West Philippine Sea.

“Katawa-tawa.”

Ganiyan inilarawan ni Department of Defense Secretary Gilbert Teodoro ang pahayag ng China na Pilipinas ang nagpapataas ng tensiyon sa West Philippine Sea. Aniya, sila-sila lang rin ang naniniwala sa mga propaganda nito.

“Ang provocative kung doon tayo mag-patrol sa 200 nautical-mile exclusive economic zone nila or mangisda tayo doon. Sila ang nanghihimasok dito. So paano tayo mangpo-provoke sa kanila? Mukhang katawa-tawa naman ‘yung mga statement na ganyan. Sila na lang ang naniniwala sa propaganda nila,” paliwanag ni Teodoro sa sidelines ng pagbubukas ng 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction nitong Biyernes, Oktubre 14.

Nauna nang hinimok ng Chinese Foreign Ministry ang Pilipinas na seryosohin ang mga hinaing ng China at tigilan ang paggawa ng mga “provocation” na diumanoy nanghihimasok sa soberenya ng China.