Klase sa Calabanga, Camarines Sur, binulabog ng bomb threat

Kinailangan magsuspende ng klase ng isang pamupublikong paaralan sa Calabanga, Camarines Sur dahil sa bomb threat.

Kinailangan magsuspende ng klase ng isang pamupublikong paaralan sa Calabanga, Camarines Sur dahil sa bomb threat.

Noong February 19 ng gabi ay nakatanggap ng message ang Facebook page ng isang eskuwelahan na sinabing may bomba umano sa campus.

Tatlong bomba raw ang kinalat sa paaralan dahilan para agad na mag-inspeksyon ang Calabanga Municipal Police Station.

Nang inspeksyunin ang paartalan ay wala namang nakitang kahina-hinalang gamit sa loob ng paaralan.

Nagpaalala naman ang pulisya na hindi dapat gawing biro ang bomb threat dahil pwedeng makasuhan ang sinumang gumawa nito.