Klaruhin lang natin para malinaw! May senior high school pa rin sa pampublikong paaralan, hindi lang sa mga unibersidad at kolehiyo ng gobyerno — CHED

Tiniyak ng Commission on Higher Education na nakikipag-ugnayan ito sa Department of Education upang masiguradong may malilipatang ang mga grade 11 at grade 12 na mag-aaral sa susunod na taon.

Nilinaw ni Commission on Higher Education (CHED) chair J. Prospero de Vera III na hindi pinatanggal ng ahensiya ang senior high school (SHS). Bagkus, pinatigil lamang nito ang mga state universities and colleges (SUCs) and local universities and colleges (LUCs) sa pagtanggap ng mga mag-aaral na grade 11 at 12 dahil tapos na ang transition period dito.

Ginawa ni de Vera ang paglilinaw sa isang panayam matapos kumalat ang mga balitang pinatanggal na ng CHED and naturang programa.

“I was surprised by the fake news and insinuations that have been circulating. So, I’d like to make it clear. K to 12 is not abolished and CHED has no authority to abolish senior high. Because I’ve been getting reports complaining that I have abolished senior high school. That’s not within the jurisdiction of CHED,” aniya.

BASAHIN RIN: Paano na ang mga maralitang mag-aaral? Senior High School sa mga SUC at LUC, pinatatanggal na ng CHED

Gayunpaman, nanindigan ang CHED sa ibinaba nitong memorandum na nag-uutos sa mga SUC at LUC na tibagin na ang kanilang mga SHS program dahil wala na itong basehan pa.

Tiniyak rin ni de Vera na patuloy na nakikipag-ugnayan ang CHED at Department of Education upang masiguradong may malilipatang ang mga grade 11 at grade 12 na mag-aaral sa susunod na taon.