Kinokonsulta ang best and brightest lagi! Cha-Cha, tinatalakay ni PBBM at mga mambabatas, ‘legal luminaries’

Bagaman hindi pa niya masabi kung anong nakikita niyang solusyon sa girian ng Senado at Kamara dahil sa People's Initiative, tiniyak naman ni Pangulong Marcos na kausap na niya ang liderato ng parehong kampo para maresolba ang tensiyon sa pagitan nila.

Palaging tinatalakay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Charter Change kasama ang mga mambabatas at iba pang “legal luminaries” ng bansa.

Iyan ang sinabi ng pangulo sa isang panayam sa sidelines ng kaniyang state visit sa Vietnam nitong Martes, Enero 30. Sa katunayan, kabilang sa mga kinokonsulta niya ay sina Executive Secretary Lucas Bersamin at Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

“So, the details have not yet been decided upon. That is precisely what we will be working on,” saad Marcos nang tanunging kung paano niya reresolbahin ang tensiyon sa pagitan ng Kamara at Senado dahil sa People’s Initiative.

Bagaman hindi pa niya masabi kung anong nakikita niyang solusyon, tiniyak naman ni Marcos na kausap na niya ang liderato ng Kamara at Senado upang maresolba na ang girian ng dalawang kampo.

“In fact, before I left, I met with our legal luminaries and tried to find a way dahil ‘yan naman talaga ang aabutin nila,” aniya.

Paliwanag pa ni Marcos, ang pangunahing isyu rito ay kung boboto ang Kamara at Senado bilang hiwalay na grupo or bilang isang Kongreso.

“Now there’s advice that we are getting: the best analysis and interpretation that we have is that the legislature is of bicameral nature and therefore that implies that they will vote separately,” sabi pa ni Marcos.