Kim Rodriguez pinasinungalingan ugnayan kay Marc Pingris

Pinalagan na ng aktres na si Kim Rodriguez ang mga tsismis na 'di umano'y kabit siya ng ex-PBA player na si Marc Pingris.

Pinalagan na ng aktres na si Kim Rodriguez ang mga tsismis na ‘di umano’y kabit siya ng ex-PBA player na si Marc Pingris.

Sa vlog ng showbiz insider na si Ogie Diaz ay ipinadala ni Kim ang kanyang mensahe, kung saan nakasaad na hindi totoo ang mga usap-usapan sa social media.

“Tito, hindi po ‘yan totoo,” saad ng aktres, ayon kay Ogie.

Pinaliwanag rin ni Kim ang istorya sa likod ng mga larawan nila ni Marc na bagamat solo picture lang ay pareho ang background. Kabilang sa mga ito ang larawan sa isang gas station at sa sikat na Sydney Opera House sa Australia.

“Hindi po kami magkasama niyan. Kahit itanong niyo po sa girl na yan kung magkasama kami ni Marc Pingris kung pareho niya kaming nakita na same time, I’m sure alam niya ang totoo,” wika pa ni Kim, sa kanyang larawan sa isang gas station kasama ang isang babae.

“Ang sabi naman sa akin ni Kim, meron siyang dalawang kaibigan na kasama nung nagbakasyon sila sa Australia. Sabi sa akin ni Kim, anong pakialam ko kung may picture doon si Marc Pingris sa Opera House, ako din may picture, lahat naman ng nagpupunta ng Sydney dapat may picture ka daw sa Opera House kaya may picture ako,” pagbabahagi ni Ogie.

Una nang dumepensa si Marc sa mga alegasyong may namamagitan sa kanila ni Kim. Si Marc ay kasal sa asawang si Danica Sotto ay may tatlo silang anak.